Happy Birthday Daddy

September 19: Happy Birthday Daddy!!

Ayan po, sunod-sunod ang celebration sa family. Mejo me tampo nga si Sabrina at Jessica kasi wala silang pictures at video nung birthdays nila last July 15 kay Sab at August 28 kay Jek. That’s why wala silang birthday posts. Anyways, Happy birthday pa din mga anak!! Mwah!! πŸ™‚ Dina bale, Nagluto naman ako ng mga favorites nyo diba nagkataon lang talaga na busy si daddy at dala ang gadget natin dahil sa project natin sa Xevera remember? at sobrang gabi na dumating si daddy at tito Bong that time at no time for charging pa ng mga cams. Si Jek naman, me klase ka at wala din si daddy pero ang laki naman ng cake na regalo sayo ni Ate Cherry. Nabusog din ako dun ha πŸ™‚

And we also celebrated hub’s birthday last September 19, Late na din tong post dahil sa mga scheds. Naghahabol talaga ako bago magsarado ang September. With matching snacks and dinner ang handa mo daddy ha, in fairness napagod ako magluto buti na lang wala ng duman request from the kids haha πŸ™‚

The birthday celebrant πŸ™‚ Isang banat naman ng Nirvana jan πŸ™‚

Ang pinaghirapang handa πŸ™‚ Walang kamatayang spaghetti, Hotdog, Adobong Liempo, Lechong Manok, Loaf bread na may chiz wiz at chocolate cake. Syempre, nagkanin kami nina Liza, pinoy eh πŸ™‚

Birthday ni daddy pero bakit happy birthday Isha ang cake?

Si Isha lang kasi ang nag birthday na walang cake. Very tight kasi ang budget kaya pambawi sa kanya yung cake ngayun. Isha anak, magpakasawa ka sa paborito mong chocolate cake πŸ™‚

O ayan, ginawa na pong tabako ang hotdog… sindihan ko na daddy? πŸ™‚

O, nagtuturuan pa sila kung sino ang kakanta, duet na lang kau mga anak para mas masaya πŸ™‚

Syempre di mawawala ang mga kaputol pusod sa kabilang bahay πŸ™‚

Mga ate at kuya nabusog ba kau? Bakit walang pics si ate Eves?

Ah, nasa video daw πŸ™‚

O ayan ang paboritong pamangkin, mala stolen shot and dating. Ayaw pa nyang magpakuha ng pics at mag pa post sa internet. Dont worry Che, cute pa din naman ah πŸ™‚ coming soon Mommy po yan mga readers, malapit ng manganak kaya madadagdagan na naman ang maingay dito sa house πŸ™‚

Diko alam kng serious sa pagkain o panunuod si ate Luz, ano sa tingin nyo? πŸ™‚

After a days work πŸ™‚ madaming lutuan at kainan ang naganap… ayan kantahan na πŸ™‚