Pautot ni Buraot

This is a funny title and I know that only my Filipino readers would understand this. Sorry guys spare me this post but this post is intended for my Fellow Pinoys and I have to use Tagalog language for this post. Bear with me, thank you!

O ayan, nakapagpaalam nako sa mga blogistang di natin kalahi at di nakakaintindi ng tagalog 🙂

Siguro magtataka yung mga readers ko kung anong kaguluhan ire at bakit kelangan kong mag powst ng tagalog e samantalang madami akong readers na di ito maiintindihan. Pasensya na kayo mga ripapips at kelangan ko munang mag jeproks sa post na ito bunga ng matinding pangangailangan hehe 🙂

Meron kasi akong natisod na kakilala sa pamamasyal ko sa blogosper at itong tao na ito ay di na rin naman iba sa akin. Ito ay walang iba kundi si Buraot. Hanep ano, sa pangalan pa lang ang lakas na ng dating. Ei ibang klase din naman ang mga powst nya at minsang bumisita ako sa blag nya, akalain mo halos nabasa ko lahat ang powst sa blag nya sa loob ng isang araw at akoy halos kabagan sa katatawa. Abay malayo sa pangalan nya ang laman ng blag dahil talaga namang hindi ka mabuburaot na magbasa ng mga powst nya. O sige, e sya, bakit kailangan pa kong magtagalog?

Ei kasi nga me pautot itong si Buraot at ako naman ay naanyayahang sumali sa pautot na ito. Abay sayang din at mejo malaki rin naman ang premyo na aabot ng $550 at katakot-takot na entrecard kaya naman kinasahan ko na din total perst taym ko lang din sasali sa ganito.

Simple lang ang rules, kailaangan lang na kalampagin ang madlang blogistang pinoy na marunong managalog tungkol sa pautot nyang ito. Kailangan ding mamili kung anong powst nya ang halos magpautot sau sa katatawa at lagyan ito ng link.

Buweno, mejo mahaba na itong powst at baka hulihin na tayo ng blogger pulis at wla pa atang DTI permit etong pautot ni Buraot kaya bibilisan ko na. 

Ang nagustuhan kong blog nya ay tungkol sa latest nyang cellphone. Bukod sa haytek talaga to abay napakagandang dalhin. tyak na hindi makakatawag ng pansin ng mga agaw-celpon. Oii! sa mga interesado sa celpon na ito klik mo to.

O ayan ‘d end na. naway manalo ako sa pautot mo bro 🙂

Sa mga blogistang pinoy at pinay na nabuburaot sa buhay pwede nyong silipin ang blag ng kolokoy na to klik mo lang to

In fairness nag enjoy ako sa paggawa ng powst na to. di ko na kailangan ng nebulizer pagkatapos mag blog di tulad ng english kelangan ko pa bumili ng ventolin nyahahaha 🙂 pasensya na guys! paminsan minsan lang mawala sa sarili ang lola nyo. 

O panu Buraot, bago pa mawalan ng respeto sa akin ang mga readers ko ay wawakasan ko na to at baka di lang sa hitlist malagay ang pangalan ko, baka pati yung PEDEA ay hulihin ako haha!

Sa mga nais sumali pwede pang humabol hanggang Bonifacio Day. Bisitahin nyo lang si Buraot 🙂

Bank Codes of Philippine Banks

Some of my friends who are applying for PayPal verification are calling me and asking for Philippine Bank codes so I decided to post it here. I hope this will help you too.

I know some of you fellow freelance Pinoys and Pinays who are working online are still in the process of creating PayPal Account and experiencing some problems on verification process. I know it because when I was processing mine, I visit so many forums and discussion groups just to get the proper procedure and now that I am blogging, I will post the entire procedure here in my next post.